Zette's Personal Page

Welcome to my site!

Blogs

"Hate ko talaga ang mga lasing"

zette Posted by zette at 09:51 PM on September 09, 2009

Reasons kaya hate ko ang mga lasing:

 


1. Kasi never ko pang nakita ang tatay ko na lasing o uminom ng alak, na according sa mga pinsan nya nun daw binata palang sya. Kung san san nalang daw natutulog dahil sa kalasingan...


2. Di mo sila makausap ng maayos sisigaw sigawan ka pa... Parang gusto kong sabihin na "SIGE SIGAWAN MO AKO PARA MAGMUKHA AKONG TANGA AT IKAW ANG MAGALING!!!" I'm referring to my hayup! na kapitbahay


3. Dahil nagsusuka in public. Yung iba mas malala pa, nandudura, umiihi sa pants... eowness...


4. Naninira ng gamit at nanakit ng iba ang iba pa mismong pamilya nila sinasaktan nila ...waaaaaaaaaaaaa... Mas mabuti siguro pag may nakitang lasing na nananakit ipadala sa mindanao tingnan natin tapang nun kung tatagal ng isang araw...


5. Nambubulabog ng mga kapitbahay

 


Bakit kaya ganyan sila di man lang nila naiisip na nakakasama sila sa image ng pamilya nila kakahiya di nila naiisip na nagrereflect yun sa magulang nila di na sila nahiya. Yung iba sasabihin kasi walang pinag-aralan? Sa tingtin ko naman di valid yun. Ang tatay ko nga di din naman nakatapos ng college pero di naman salbahe at di pa nga umiinom ng alak.. So siguro nasa desisyon lang yun ng tao kung ano pipiliin nya..kung magpapakamatay sya sa alak or what... Ako inaamin ko umiinom din ako pero alam ko kung hanggang ilang bote kaya ko... At bat naman ako magpapakamatay sa alak? dahil libre? dahil malaki ambag ko? hehehe... Di na.. Di mababayaran ang kahihiyan... Siguro itry ko din yung magpakalasing na halos gumagapang na pag may asawa na ako...

 

Hmmm di ko alam bat to naSALITYPE ko... hehee... tyagain nyo nalang... ito pumasok sa isip ko eh...

 

 


Categories: None

Post a Comment

Already a member? Sign In

0 Comments